Fire Code Fees Koleksyon ng Cainta Rizal Government posibleng aabot sa 10M ngayong taong 2020

Naniniwala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Cainta Rizal Government na posibleng papalo pa sa Php 10 million ang fire Code fees collection ng BFP Cainta dahil noong nakaraang taon 2018 ay umaabot ito sa Php 4.6 million at nitong nakaraang  taong 2019 ay umaabot naman ito sa Php 7.3 million collectionng fire code fees.

Ayon kay Cainta Fire Marshal F/Capt. Richardson Malamug na malaking tulong ang pag-angat ng koleksyon ng BFP Cainta noong nakaraang mga taon kung saan ay malaki ang naiaambag nito sa kaban ng Cainta Rizal Government lalo pa ngayon ay inaasahan na posibleng aabot pa ito sa Php10 million ang magiging koleksyon ng BFP Cainta Rizal.

Paliwanag ni F/ Capt. Malamug na seryoso ang kanyang Administrasyon sa pangungulekta ng buwis at tunay na koleksyon lang ang kanyang ginagawa mula nang siya ang umupo sa Cainta BFP kaya ibinida nito na mabilis umangat ang kanilang fire code fees para lalong makatulong sa koleksyon ng Pamahalaan,


Dagdag  pani  F/Capt. Malamug na kasama ang BFP Cainta sa ginagawang Business One Stop Shop na ginagawa sa Cainta People’s Center at para hindi na mahirapan pa umano ang mga residente ng Cainta sa renewals ng kanila Business Permit sa pangunguna ng pamahalaang Bayan ng Cainta ang BPLO at Treasurer’sOffice at ang kanilang  Mayor na si Kit Nieto.

Umaasa ang opisyal na makikipag tulungan ang mga residente ng Cainta Rizal para na rin sa kapakanan nila na hindi sila mahihirapan sa pagkuha ng Business Permit.

Facebook Comments