FIRE OUT | Sunog sa Pasig City, naapula na

Pasig City – Wala nang dapat ikapangamba pa ang mga residente ng Barangay Kapasigan, Pasig City dahil idineklara nang fire out ang sunog sa nasabing lugar.

Ayon kay Senior Inspector Anthony Arroyo Arson, Chief ng Pasig BFP, nagsimula ang sunog ganap na alas nueve kwarenta’y ocho ng umaga at idineklarang fire out kaninang alas onse trenta’y cinco ng umaga.

Itinaas sa ika-apat na alarma ang sunog.


Sinabi ni Senior Inspector Arroyo, nagsimula ang apoy sa isang stall ng talipapa sa Barangay Kapasigan na sakop ng Pasig palengke.

Agad kumalat ang sunog sa mga kalapit na stall at nadamay pa ang ilang kabahayan.

Hindi pa matukoy sa ngayon kung ilang bahay ang natupok at kung magkano ang pinsala ng sunog.

Tuloy-tuloy ang ginagawang assessment at mopping up operations ng mga taga-pamatay sunog sa mga oras na ito.

Tatlo ang naitalang nahilo at isa ang nahirapang huminga dahil sa sunog pero agad naman silang inayudahan ng Philippine Red Cross at ngayon ay nasa stable condition na.

Samantala, abiso sa mga motorista iwasan muna ang pagdaan sa A. Mabini Street, Barangay Kapasigan, dahil sarado parin ito sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments