Fire prevention measures, hiniling ng isang senador na mas paigtingin pa

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na paigtingin pa ang fire prevention measures sa gitna na rin ng El Niño sa bansa.

Ginawa ni Gatchalian ang apela bunsod na rin ng obserbasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa senador, kailangang tulungan ang mga kababayan na magkaroon ng kaalaman sa paghahanda para mapigilan ang mga insidente ng sunog sa bansa.


Aniya, ang El Niño weather phenomenon ay nagbibigay ng dagdag na panganib na magkaroon ng insidente ng sunog dahil sa sobrang init ng panahon.

Aniya, ang sapat at tamang fire prevention campaigns lalo na sa mga mahihirap na pamayanan ay makakatulong sa mga residente na epektibong tugunan ang mga posibleng pagmulan ng sunog at mapigilan na mangyari ang insidenteng ito.

Facebook Comments