Manila, Philippines – Sa paggunita ng Fire Prevention Month ngayong Marso, ibinida ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mas mababa ang bilang ng naitalang sunog sa buwan ng Enero at Pebrero ngayong 2018, kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay BFP Chief Director Leonard Banago, 1,758 ang naitalang sunog ngayong 2018, habang umabot sa 2,400 ang naitala noong 2017.
Sa kabila nito, malaking hamon pa rin para sa BFP ang pababain ang bilang nito ngayong Fire Prevention Month.
Base sa datos, ilan sa mga pangunahing sanhi ng sunog ang faulty electrical wiring, napabayaang nakasinding sigarilyo, kandila at electrical appliances.
Facebook Comments