Nakatanggap kahapon si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng mga sasakyan na donasyon para sa Armed Forces of the Philippines mula sa kompanyang ENPlus Co., Ltd, ang nangungunang taga-gawa ng ambulansya sa South Korea.
Ang donasyon at dalawang fire pump trucks at dalawang ambulansya ay pormal na nai-turnover ni ENPlus Co. President, Young-Yong Ahn kay Lorenzana at kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa isinagawang ceremonial turnover kahapon sa Camp Aguinaldo.
Nagpasalamat naman si General Gapay sa donasyong nagkakahalaga ng P30 milyon, at sinabing malaking tulong ang mga ito sa pag-responde ng AFP sa mga emergency situations.
Aniya, inspirasyon sa hanay ng AFP na may mga pribadong kompanya na nagmamalasakit sa mga sundalo.
Iprenesinta naman ni Sec. Lorenzana at Gen. Gapay ang isang plaque of appreciation sa Pangulo ng Koreanong kompanya bilang pasasalamat.