Pinag-iigting ngayon ng lokal na pamahalaan ng Balungao ang fire safety drills o kaalaman at hakbangin ukol sa madalas na pangyayaring sunog lalo na ngayong tag-init bunsod ng kamakailang naganap na sunog sa Purok 2 Barangay Poblacion sa bayan ng Balungao.
Pinaalalahanan ng gobyerno ang patuloy na pag-iingat ng mga residente at ang pag-ugaling maging alisto sakaling magkaroon ng sunog gayundin ang pag-iwas sa mga tyansa ng pagkakaroon nito tulad na lamang ng pagsiguro sa mga electric devices na nasa maayos na saksakan at ang Liquified Petroleum Gas (LPG) at iba pang kagamitan sa pagluluto ay nakapatay kung hindi gagamitin.
Dinagdag din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng fire exit sa mga kabahayan at ang pagligtas ng sarili sa halip na hakutin ang mga gamit sa bahay.
Kaugnay naman sa pamilyang apektado ng naganap na sunog ay napamahagian ito ng relief goods, hygiene kit tulad ng mga damit, sabon, toothbrush, mga panloob, alcohol o hand sanitizers, towels at iba pang mga kasuotan mula sa Municipal Social Welfare and Development Office at Bureau of Fire Protection ng bayan.
Bukod dito, sasailalim din sa ang mga kaanak sa mental health at psychological support. |ifmnews
Facebook Comments