FIRE SAFETY, ITINURO SA MGA MAGULANG AT GURO SA DAGUPAN CITY

Itinuro ang ilang Fire safety at drill ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan sa mga miyembro ng Division of Federated Parents-Teachers Association (DFPTA) ngayong buwan ng Fire Prevention Month.

Nagbigay ng kaalaman at pamamaraan ukol sa tamang aksyon sa oras na makaranas ng insidente ng sunog maging ang pag-iwas dito ang itinuro ng hanay sa mga ito.

Kabilang sa mga itinuro ang paggamit ng fire extinguisher, first aid, at iba pang makatutulong upang maiwasan ang insidente ng pagkasunog.

Bahagi ito ng pagsasagawa ng 2025 PTA Summit kung saan nagpupulong ang mga magulang at guro bilang may mahalagang bahagi sa pagpapataas pa ng edukasyon ng mga kabataan at paglalahad ng mga project proposals na maaaring maipatupad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments