Cauayan City, Isabela- Muling nagsagawa kaninang umaga ng Fire Safety Orientation ang SM City Cauayan sa pangunguna ng bagong Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan na si Chief Fire Inspector Aristotle Atal.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Crystal Gayle Agbulig, Media Relations Officer ng SM Cauayan, layunin ng kanilang orientasyon na mabigyan ng kaalaman ang mga frontliners ng SM na kinabibilangan ng mga tenants, security guards maging ang mga janitorial staff bilang paghahanda sa anumang hindi inaasahang sunog.
Bahagi rin anya ng naturang aktibidad na maituro sa mga Frontliners at tenants ang wastong paggamit ng fire extinguisher at kung paano aaksyunan ang sunog.
Layunin din nito na mabigyan ng kaligtasan ang mga nagtutungo sa mall kaya’t mainam anya na maturuan at mabigyan ng kaalaman ang mga frontliners at empleyado ng SM dahil sila rin umano ang unang magsasagawa ng aksyon kung sakaling magkaroon ng sunog sa loob ng mall.