FIRE SAFETY SA MGA KABAHAYAN NGAYONG HOLIDAY SEASON, IGINIIT NG BFP DAGUPAN

Iginiit ng Bureau of Fire Protection Dagupan ang kahalagahan ng fire safety sa mga kabahayan ngayong nalalapit ang kapaskuhan.

‎Ayon kay BFP Dagupan City Chief Inspector Jun Wanawan, dapat laging isaisip ng publiko ang pagsunod sa mga alituntunin at safety protocols ng BFP upang maiwasan ang insidente ng sunog, lalo na’t mas tumataas ang panganib tuwing Pasko dahil sa dekorasyon, pagluluto, at paggamit ng electrical appliances.
‎‎

‎Dagdag pa niya, dapat Magkaroon ng sariling fire extinguisher ang bawat bahay bilang mabilis na pag-apula sa maliit na sunog.

‎Nanawagan ang tanggapan sa lahat na seryosohin ang mga paalala at aktibong nakikiisa upang maging ligtas sa tuwing may insidente ng sunog. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments