Firecracker Ban sa Cotabato City

Patuloy ang pag papaalala ng City PNP sa publiko na mariing ipinagbabawal ang pagbebenta at pagpapaputok ng anu mang uri ng firecracker kasabay ng papalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Layun ng panawagan ay upang maiwasan ang anu mang insidente na may kinalaman sa paputok ayon pa kay City Director Rolly Octavio.
Hinihikayat rin nito ang mga negosyante na makiisa sa kanilang adbokasiya alang alang sa kaligtasan ng lahat.
Panawagan rin ni CD Octavio na huwag na huwag mag paputok ng baril sa mga nasabing okasyon.
Google Pic

Facebook Comments