Manila, Philippines – Limampu’t tatlong lugar sa Maynila ang itinalaga ng Manila Police District (MPD) bilang firecracker zone.
Alinsunod ito sa Executive Order No. 28 na naghihigpit sa paggamit ng paputok at pailaw.
Karamihan sa mga itinalagang firecracker zone ay mga barangay covered court, plaza at basketball court.
Ang bawat police station sa Maynila ay nagsumite ng kani-kanilang listahan ng firecracker zone o lugar kung saan papayagan lang ang paggamit ng paputok at pailaw.
Partikular na itinalagang firecracker zone ang Plaza Hernandez at kanto ng Claro M. Recto Avenue at Dagupan Street; Carlos Palanca, Quinta Market harap ng barangay hanggang FEATI University; Rajah Sulayman; Remedios Circle; kahabaan ng Manila Bay sa Pedro Gil; Plaza Balagtas at Plaza San Lorenzo Ruiz sa harap ng Binondo Church.
FIRECRACKER ZONE | 53 lugar sa Maynila, itinalaga ng MPD
Facebook Comments