FIRECRACKER ZONE SA MANGALDAN, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG MGA AWTORIDAD

Mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang mga itinalagang firecracker zone sa bayan ng Mangaldan kung saan nakapuwesto na ang mga nagtitinda ng paputok simula noong Disyembre 26.

Bilang bahagi ng kanilang araw-araw na operasyon, nagsasagawa ng inspeksyon ang Mangaldan Municipal Police Station upang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa pagbebenta at paggamit ng paputok ngayong holiday season.

Patuloy ang koordinasyon ng kapulisan sa Bureau of Fire Protection, lokal na pamahalaan, at iba pang kaugnay na ahensya upang bantayan ang lugar at masiguro ang kaligtasan ng mga nagtitinda at mamimili.

Layunin ng pinagsamang operasyon na maiwasan ang sunog, aksidente, at pinsala lalo na sa panahon ng pagdiriwang.

Hinikayat naman ng kapulisan ang publiko na bumili lamang ng paputok sa mga awtorisadong tindahan sa loob ng itinalagang firecracker zone. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments