Firecrackers at mga Replica ng baril pinagsisira sa Upi

Patuloy ang panawagan ng LGU UPI at UPI Pnp sa lahat ng kanilang mga kababayan na mariing ipinagbabawal ang pagbebenta at pagpaputok ng anu mang uri ng firecrackers kasabay ngpapalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Kanina, pinangunahan ni UPI MPS COP PCI Merle Glemao ang pag iikot sa public market ng bayan at kinumpiska ang mga ibinebentang paputok kasabay ng pagpapaalala sa mga tindahang naaktuhang nagbebenta.
Agad ring pinagsisira ang mga nakumpiskang firecrackers sa pamamagitan ng paglubog sa mga ito sa balde ng may lamang tubig.
Maliban sa mga paputok kinumpiska rin ang mga laruang baril at agad ring pinagsisira ng PNP sa tapat ng Municipal Hall.

PIC by:Jeanetha Martin Momek.

Facebook Comments