Firecrackers ban, umiiral na sa halos 200 siyudad at munisipalidad sa bansa – BFP

Halos 200 siyudad at munisipalidad sa bansa ang may ipinapatupad na firecrackers ban.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) spokesperson Geranndie Agonos – mayroon silang iba’t ibang community initiatives upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Aniya, maraming lokal na pamahalan ang tumatalima sa Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagtatalaga lamang ng community fireworks display.


Nagtatag din ang BFP ng community fire auxiliary groups na tutulong sa mga fire men na rumesponde sa aksidente.

Sa ngayon ang BFP ay naka-code red, kung saan naka-on call ang lahat ng fire fighters mula December 23, 2019 hanggang January 2, 2020.

Facebook Comments