FIREWORK RELATED INJURIES | Naputukan, umabot na sa 42

Manila, Philippines – Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 42 kaso ng firework related injuries.
Ito ay mula December 21 hanggang 27.
Ayon kay Health Asec. Maria Francia Laxamana – mapanganib aniya sa kalusugan ang usok na dala ng mga paputok dahil nakakadulot ito ng mga sakit gaya ng sakit sa baga at puso.

Kaya nakipagsanib-pwersa na ang DOH sa Philippine National Police (PNP), EcoWaste Coalition pati ang simbahan para manawagan sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok.

Target pa rin ng DOH na mapababa ang bilang ng mga nasusugatan sa paputok ngayong taon kumpara sa 600 noong nakaraang taon.


Sinabi naman ni EcoWaste Coordinator Aileen Lucero – nakasasama rin ang paputok sa kalikasan dahil sa hanging dala nito.

Gumamit aniya ng mga alternatibong pampaingay.

Nanawagan din ang EcoWaste Coalition sa mga gobyerno na paigtingin ang pagpapatupad ng batas para tuluyang mabawasan ang nasusugatan at nagkakasakit dahil sa paputok.

Facebook Comments