Mexico – Dalawang pagsabog ang nangyari sa pagawaan ng paputok na siyang kumitil ng buhay ng nasa 19 na tao sa bayan ng Tultepec, labas lamang ng Mexico City.
Sa ulat, pagkatapos ng unang pagsaboy ay rumesponde ang mga bumbero, pulis at rescue workers sa lugar pero hindi inaasahang naganap ang ikalawang pagsabog.
Aabot naman sa 40 tao ang sugatan.
Sususpindehin ang pagbebenta ng paputok sa lugar habang isasailalim sa review ang mga permit ng mga manufacturer nito.
Facebook Comments