Fireworks-related injuries sa bansa, umakyat na sa 25 – DOH

Sumampa na sa 25 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula kahapon, December 26 ay nadagdagan ng lima ang kaso ng fireworks-related injury, mula sa 61 na DOH sentinel hospitals.

Mas mataas na ito ng 14% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.


Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa Region 6, na may 5 kaso; sinundan naman ito ng Regions 5, 7, at 12, na may tig-tatlo; at Regions 1, 4A, 11, at National Capital Region na may tig-dalawa.

Boga, whistle bomb, kwitis, at 5-star ang mga paputok na karaniwang nagiging dahilan ng firework related injury.

Facebook Comments