Fireworks-related injury sa bansa, umakyat na 20 – DOH

Sumampa na sa dalawampu ang naitalang fireworks-related injury sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula kahapon, Dec. 25, ay umabot na sa labinlima ang naitalang bagong kaso mula sa 61 na DOH sentinel hospitals.

Kasindami na ito ng naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.


Paalala naman ng DOH na umiwas sa paputok upang maging kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Bagong Taon.

Facebook Comments