FIREWORKS ZONE SA ALAMINOS CITY, ININSPEKSYON NG PANGASINAN PPO

Ininspeksyon ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang itinalagang fireworks zone sa Alaminos City upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon.

Isinagawa ang inspeksiyon sa fireworks zone sa kahabaan ng Alaminos Diversion Road kung saan sinuri ang pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan, kaayusan ng lugar, at kahandaan ng mga tauhan sa posibleng emerhensiya.

Tiningnan din ng mga pulis ang maayos na deployment ng mga police personnel, pagkakaroon ng first aid facilities, at wastong paglalagay ng mga barricade at babala upang maiwasan ang aksidente at matiyak ang maayos na daloy ng tao at sasakyan.

Binigyang-diin ng Pangasinan PPO ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa paggamit at pagbebenta ng paputok sa loob ng designated zones at ang patuloy na pagbabantay upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente at motorista.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring at inspeksiyon ng kapulisan sa iba pang fireworks zones sa lalawigan bilang bahagi ng mga hakbang para sa ligtas at mapayapang holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments