First 100 Days Accomplishment inilahad ni Maguindanao Governor

20

Inilahad ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang daang araw ng kanyang administrasyon.
Kabilang sa ibinida sa state of the province address o SOPA ni GMSM ang mga iprogramang kinabibilangan ng pagbibigay ng Health Services sa pamamagitan ng Hospital na may Gulong at pagsasagawa ng Medcap, konstrasyon ng ilang proyekto lalo na sa SPMS Box, pamamahagi ng libong mga armchairs sa mg eskwelahan , livelihood assistance sa mga nagbalik loob sa gobyerno na dating mga mandirigma , pagpapalakas ng tax collection, at pagsusulong ng magandang pamamahala base na rin sa adbokasiyang pagkakaroon ng Makabagong Maguindanao.
Isinagawa ito kasabay ng session ng 19th Sangguniang Panlalawigan Members sa pangunguna ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat. Isinagawa ito sa Old Capitol Gym sa bayan ng Shariff Aguak.
Present rin ang halos lahat ng mga alklade ng 36 na bayan ng lalawigan. Dumalo rin ang mga opisyales ng AFP, PNP, IPHO , DEPED at mga heads ng Provincial Government.
Kaugnay nito patuloy ang paghimok ni GMSM sa lahat na makiisa kanilang kampanya para na rin sa tuloy tuloy na pagbabago sa buong lalawigan.(D.A)

Facebook Comments

From Advertisers