First aid station at welfare service ng Philippine Red Cross, naitayo na sa ilang evacuation center dahil sa paghagupit ng Bagyong Tino

Naitayo na ng Philippine Red Cross (PRC) Negros Occidental–Bacolod City Chapter ang kanilang first aid station at Welfare Service sa mga evacuation center bunsod ng Bagyong Tino.

Katuwang ng PRC Negros Occidental–Bacolod City Chapter ang mga sangay nito sa San Carlos, Kabankalan, at Silay.

Sa Kabankalan K-Center Evacuation Center, mayroon nang first aid station upang umasiste sa mga evacuee.

Samantala, nag-iikot naman ang ahensya sa Sitio Katingal-an, Barangay Buluangan upang magbigay-tulong sa mga residenteng nakararanas ng pananakit ng tiyan.

Nakipag-ugnayan din ang PRC sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa emergency transport ng mga residente.

Sa Guinhalaran Integrated School sa Silay City naman, namahagi ang mga volunteer ng face masks.

Facebook Comments