FIRST AID STATIONS, INILATAG SA MGA POOK PASYALAN SA ALAMINOS CITY

Binabantayan ng Alaminos City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang kaligtasan ng mga turista at residente kasabay ng pagdagsa sa mga pook pasyalan sa pagtatalaga ng first aid stations.

Bilang bahagi ng mga hakbang, nagtalaga ang tanggapan ng mga tauhan sa mga matataong lugar at dinarayong pasyalan, lalo na sa Lucap Wharf at Hundred Islands National Park na inaasahang dadagsain pa ng mga bisita.

Ang mga first aid stations ay estratehikong inilagay sa piling lokasyon upang mabilis na makapagbigay ng paunang lunas sa mga nangangailangan, kabilang ang mga kaso ng minor injuries, heat-related concerns, at iba pang biglaang karamdaman.

Nakahanda rin ang mga responder na makipag-ugnayan sa mga ospital sakaling mangailangan ng karagdagang medikal na atensyon.

Bukod sa medical response, patuloy rin ang pagbabantay sa kaayusan at kaligtasan sa mga pook pasyalan sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang lokal na tanggapan upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang maayos na daloy ng mga aktibidad.

Hinikayat naman ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, sundin ang mga paalala sa kaligtasan, at agad na isangguni ang anumang insidente upang maging ligtas at maayos ang pamamasyal ngayong holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments