First alarm level para sa Marikina River, hindi pa aalisin kahit tumigil na ang pag-ulan – Mayor Marcy Teodoro

Hindi pa ibinababa ang first alarm level para sa Marikina River kahit na tumigil na ang pag-ulan na nagsimula kahapon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Marcy Teodoro na hinihintay pa nilang bumaba pa sa 15 meter ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Kaugnay nito, nasa daan-daang pamilyang naninirahan sa mabababang lugar malapit sa ilog ang pansamantalang inilikas.


Ngayon aniya ay naging mabilis na ang pagtaas ng Marikina River dahil na rin umano sa mga nagdaang bagyo noong nakaraang taon dahilan upang bumabaw ang ilog.

Tiniyak naman ni Mayor Marcy na patuloy na inoobserbahan ang mga health protocols laban sa COVID-19 sa 8 evacuation centers na tinutuluyan ng mga inilikas na residente.

Facebook Comments