Tiwala ang Department of National Defense (DND) na mas lalakas pa ang kakayanan ng mga sundalong Pilipino sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon kay Defense Secretary Carlito Galvez Jr., sa pamamagitan ng 1st class training na makukuha ng mga sundalong Pilipino mula sa mga sundalong Amerikano, mas lalawak ang kanilang karanasan at mahahasa ang pakikipaglaban sa terorismo.
Inihalimbawa ni Galvez ang pananatili ng Special Operations Task Force sa Basilan at Sulu noong taong 2000.
Sa pamamagitan kasi ng rotational deployment ng mga sundalong Amerikano roon ay nalaban ang terorismo at nagkaroon ng kapayapaan sa mga komunidad.
Binalikan din ni Galvez ang karanasan ng bansa sa Battle of Marawi na tumulong ang US sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical support.
Nabatid na sa EDCA, papayagan ang Estados Unidos na magpwesto ng defense assets at magtayo ng mga pasilidad sa mga piling lokasyon sa bansa.
Sa ngayon, siyam na lokasyon para dito pero hindi pa pinapangalanan ang bagong apat na nadagdag.