First couple, hindi konektado kay Cassandra Ong – special envoy to China

Pinabulaanan ni Special Envoy to China for Trade, Tourism, and Investment Benito Techico na may koneksyon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos kay Cassandra Li Ong na dawit sa ilegal na operasyon ng POGO.

Ito ay matapos ilabas ng abogado ni Ong na si Atty. Ferdinand Topacio ang isang group photo kung saan magkasama ang kanyang kliyente at ang first couple.

Nilinaw ni Techico, ang litrato ay kuha pa sa isang restaurant sa Pasay City noong 2020.


Pagkatapos aniyang maghapunan ng first couple ay lumapit sa kanila ang may-ari ng restaurant at kanyang mga kasamahan para magpa-picture.

Pumayag naman daw si Pangulong Marcos kahit na hindi nila kilala ang mga nasabing indibidwal, at nalaman lamang umano nila na si Ong pala ang isang kasama sa litrato nang ilabas na ito sa publiko ni Topacio.

Giit ni Techico, ang akusasyon ni Topacio ay kabaligtaran ng totoong nangyari, at hindi umano patas para sa Pangulo ang pagbabato ng mga malisyosong kwento.

Facebook Comments