First Couple, masaya sa tagumpay ng pagbubukas ng Malacañang sa publiko

Masaya ang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos sa naging resulta ng Tara sa Palasyo, kung saan binuksan ang Malacañang sa publiko tuwing Kapaskuhan.

Ayon sa First Couple, itinuturing nila ang aktibidad na ito bilang serbisyo na kanilang ibinibigay sa publiko.

Ang makita lang na maligaya ang mga kababayan nating nagpupunta sa Palasyo ay nagdudulot na ng kaligayahan sa Pangulo at First Lady.


Dahil dito, tiyak na magpapatuloy ang Tara sa Palasyo na sinimulan pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Facebook Comments