Manila, Philippines – Ginugunita ngayong araw ang first death anniversary ni dating senator Miriam Defensor Santiago.
Dinaluhan ang misa para kay Sen Miriam ni Davao City Mayor Sarah Duterte, dating Sen Ferdinand “BongBong” Marcos at dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
Dumalo din sa misa ang kanyang mga kamg-anak, kaibigan at mga taga suporta sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Maliban sa misa mayruon ding maiksing programa para sa namayapang senador.
Inorganisa ang programa ng Youth for Miriam, ang grupo na nagvolunteer nuong 2016 elections para sa Senadora.
Maliban sa misa kaninang alas 10 ng umaga mayruon ding misa alas kwatro y medya mamayang hapon at “Harana Para Kay Miriam” alas sais ng gabi.
Si Santiago ay matatandaang nasawi dahil sa Lung cancer sa edad na 71 years old.
Maliban sa pagiging senadora, naging hukom din ito ng International Criminal court, naging pinuno ng Philippine Senate Foreign Relations Committee, kalihim ng Agrarian Reform at tumakbo din ito sa pampanguluhang eleksyon nuong nakalipas na May 2016 election.