FIRST EVER ART EXHIBIT FOR EVERYONE GINANAP SA SM CENTER DAGUPAN

Napuno ng makukulay, magaganda, at iba’t-ibang konsepto nang pagpipinta ng mga likhang sining ang SM Center Dagupan dahil sa first ever art exhibit sa siyudad na may temang “Art for everyone” na binuksan kahapon July 16, 2025.

Daan-daang sining ang naka-display sa art exhibit- na gawa ng grupong Agini kolektibo, Pangasinan Artist Groups at iba pang mga local artist mula Pangasinan at La Union.

Pati mga mall goers ay talaga nga namang humanga sa pang world class arts na likha ng mga talentadong local artist.

Ang art exhibit ay layuning maipakita ang importansya ng kultura at sining sa Pilipinas. Ito rin ay daan para sa mga local artist na ipabatid ang mga istoryang kanilang ipinipinta.

Samantala, ang nasabing art exhibit ay magtatagal hanggang July 29, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments