
Naniniwala ang Quezon City Police District o QCPD na malaking tulong ang kanilang inilunsad na kauna-unahang audio crime prevention tips sa isang malaking mall sa Quezon City.
Ang programa ay nasa ilalim ng Oplan “Bandillo” na layong paalalahanan ang publiko sa anong dapat gawin habang nasa loob ng mall.
Bilang bahagi ng Oplan “Bandillo” pangungunahan ng Police Station 15 Community Affairs and Development Section (SCADS) personnel at Beat Patrollers ang pagpi-ay ng audio safety tips.
Nakadisenyo ito para magbigay ng aral sa mga mall-goers sa crime prevention at maigkaroon ng kamalayan kung paano maiwasan na maging biktima ng mga criminal modus operandi.
Sa pamamagitan ng koordinasyon sa naturang mall, ang audio-recorded tips ay naka-schedule na ma-play tuwing peak hours o alas-12:00 ng katanghalian hanggang 3:00 PM at 7:00 PM.
Ito ay para tiyaking makakatanggap ang mga shoppers ng mahalagang paalala habang ini-enjoy ang ligtas na shopping experience.
Kabimang na rito abg pag-secure ng mga mall goers sa kanilang gamit, pagdadala ng kinakailangan lamang na pera, pagiging alerto at ang agarang pag-report sa mga concern sa E911 o QC Helpline 122.










