First family, hindi nababahala sa mga videong inilalabas ni Zaldy Co

First family, hindi nababahala sa mga videong inilalabas ni Zaldy Co

Nagkibit-balikat lang si First Lady Liza Marcos sa bagong video ni dating Rep. Zaldy Co na muling idinadawit ang kaniyang pangalan sa isyu ng importasyon ng bigas at sibuyas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na pinapatulan ng Unang Ginang ang mga alegasyon na walang basehan.

Sanay na aniya ang First Lady sa mga negatibong haka-haka at hindi ito basta nagpapadala.

Giit ng opisyal, alam ng First Couple ang katotohanan, at mismong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na raw ang nagpatunay na walang kredibilidad ang akusasyon ni Co.

Dagdag ni Castro, hindi sila nababahala sa mga pasabog ng dating kongresista dahil malinaw umano sa publiko ang motibo sa likod ng mga video.

Facebook Comments