First Family, ipinagdiwang ang kaarawan ni FL Liza Marcos sa Baguio

 

Tahimik na ipinagdiwang ng First Family ang ika-65 kaarawan ni First Lady Liza Araneta Marcos sa Baguio City noong August 21.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gusto kasi ng first lady na tahimik lang na maging pribado lang ang maging pagdiriwang.

Nagsagawa na rin umano ito sa party noong Huwebes bago umalis patungong Baguio.


Tumanggi naman ang pangulo na sabihin kung ano ang iniregalo niya sa first lady.

Facebook Comments