First Family, nagpaabot ng pagbati para sa ika-67 kaarawan ni PBBM

Nagpaabot ng pagbati ang First Family para sa ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa birthday greetings ni First Lady Liza Araneta-Marcos, sinabi nitong ipinagmamalaki niya ang lahat ng naabot ng kanyang asawa.

Sa kabila umano ng mga ito ay nanatili ang mapagmahal na puso at pagmamalasakit ng taong unang nagpatibok ng kanyang puso.


Tinapos ni FL Liza ang pagbati sa mga katagang “I love you to the moon and back, and I always will”.

Samantala, hindi rin nagpahuli sa pagbati ang Presidential sons na sina Sandro, Simon, at Vinny sa isang vlog kung saan ibinahagi nila ang masasayang sandali kasama ang Pangulo.

Facebook Comments