Dinagsa ng mga deboto kahapon ang Minor Basilica of Black Nazarene sa Quiapo, Maynila para sa First Friday Mass.
Ito ay isang araw matapos dagdagan ng 10% ang kapasidad sa loob ng mga simbahan.
Kada oras ang pagsasagawa ng misa at ang mga aabutan ng cut-off ay nakapilang naghihintay sa kalye na sumusunod naman sa health protocols.
Ang mga indibidwal na maaaring makinig sa loob ng simbahan ay ang mga fully vaccinated kaya ang mga hindi pa bakunado o isang dose pa lamang ng bakuna ang natanggap ay sa labas ng simbahan nanatili.
Muli namang nagpaalala ang simbahan na bawal pa rin ang mga bata at 65 anyos pataas
Ang first Friday mass ay may misang kada oras ginagawa mula alas-4 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.
Facebook Comments