First Lady Liza Araneta-Marcos, bahagi na ng PCG Auxiliary

 

Bahagi na ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon kay PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may first lady na naging kasapi ng PCG Auxiliary.

Ginawaran ang unang ginang ng honorary rank na vice admiral sa BRP Gabriela Silang sa PCG Headquarters sa Maynila.


Matapos ang seremonya ay nag-short tour ang unang ginang sa BRP Gabriela Silang sa Pier 13 sa pangunguna ni Captain Lawrence Roque.

Kinilala naman ni First Lady Liza Marcos ang dedikasyon ng PCG sa pagbabantay sa karagatan ng bansa.

Ayon pa sa unang ginang, lumahok siya sa PCG upang magbigay-inspirasyon sa mga kasapi ng organisasyon habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin sa bayan.

Facebook Comments