First Lady Liza Araneta Marcos, nagsalita na tungkol sa viral wine glass video nila ni SP Chiz Escudero

Nagsalita na si First Lady Liza Araneta Marcos kaugnay sa viral video ng pag-inom niya sa wine glass ni Senate President Chiz Escudero sa nakaraang Vin D’Honneur sa MalacaƱang.

Sa isang pahayag, sinabi ng First Lady na biruan lang daw nila ni Escudero ang nag-viral na wine glass video niya matapos sabihin ng Senate President na may “energy” pa rin ang Unang Ginang kahit halos isang oras silang nakatayo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang bumabati sa mga bisita.

This slideshow requires JavaScript.


Sinagot lang aniya ang biro ng senador at kinuha ang wine glass na iniinom ni Escudero, saka ito ibinalik sa senador at pabirong sinabing hindi naman daw malamig ang wine.

Giit pa ng Unang Ginang, matagal niya ng kaibigan si Escudero mula pa noong nasa law school sila kaya’t ang nangyaring pagbibiruan ay natural na lamang sa kanila.

Nagtagal lang din aniya ng sampung segundo ang pangyayari at kahit isipin man daw ng iba na ginawa niyang waiter ang senador ay sa kanilang dalawa na lamang daw ito ni Escudero.

Facebook Comments