First Lady Liza Araneta-Marcos, pinangunahan ang pagbubukas ng Ilocos Sur Medical Center

Pinangunahan ni First Lady Marie Louise A. Marcos, sa pakikipagtulungan sa Provincial Government of Ilocos Sur at Lungsod ng Candon, mga ahensya ng gobyerno, at mga pribadong sektor, ang opisyal na pagbubukas ng Ilocos Sur Medical Center (ISMC) sa Candon kahapon August 12, 2025.

Ang seremonya ay dinaluhan din nina Health Secretary Teodoro Herbosa, Deputy Speaker Rep. Kristine Meehan, Vice Governor Ryan Singson, Provincial Administrator Marlon Tagorda bilang kinatawan ni Governor Jerry Sinson, Hospital Director Angel Trinidad, at Candon City Mayor Eric Singson.

Nakiisa rin si Marcos at iba pang opisyal sa basbas ng dialysis building at ng infectious disease treatment building.

Ang ISMC ay isang Level 2 200-bed capacity na ospital sa ilalim ng Department of Health.

Abot din sa 1,500 residente o higit pa mula sa pangalawang distrito ng Ilocos Sur ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” o “LAB for ALL” na ginanap sa Candon City Arena.

Facebook Comments