First Lady Liza Marcos, nanumpa bilang bagong miyembro ng Philippine Constitution Association

Kasapi na si First Lady Liza Araneta-Marcos ng Philippine Constitution Association (PHILCONSA).

Ang PHILCONSA ay isang non-stock at non-partisan organization na layong ipagtanggol, pangalagaan, at protektahan ang saligang batas.

Sa isang seremonya sa Malacañang, nanumpa ang First Lady kay PHILCONSA Chairman at Former Chief Justice Reynato Puno.


Bukod kasi sa pagiging unang ginang, si Liza Marcos ay isa ring abogado.

Kasabay rin nitong nanumpa sina dating Chief Justice Teresita de Castro, at PHILCONSA Secretary General Michelle Lazaro.

Facebook Comments