First Lady Liza Marcos, umalma sa fake news na pahayag

Pinabulaanan ng Malacañang ang mga lumabas sa social media na isang edited na larawan ni First Lady Liza Marcos na may caption na tila pambuwelta kay Senadora Imee Marcos.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, fake news ang post at hindi ito galing sa Unang Ginang.

Ipinapalabas sa kumalat na larawan na sinagot umano ng First Lady ang banat ng Senadora at may kasama pang panlalait sa itsura ni Imee Marcos.

Pero ayon kay Gomez, walang kahit anong pahayag na galing sa Unang Ginang at mali ang pinapalabas na pinanggalingan ng caption.

Mismong si FL Liza na rin ang naglabas ng post at sinabing peke ang naturang content.

Dagdag ng PCO, isa na namang halimbawa ito ng mabilis na pagkalat ng fake news sa social media, na ginagamit para maghasik ng gulo at maling impormasyon.

Facebook Comments