FIRST MOM TO BE | Heart Evangelista, humabol sa mother’s day; Senator Chiz Escudero, supportive sa pagbubuntis ng asawa

Manila, Philippines – Humabol pa sa mother’s day ang first mom to be na aktress na si Heart Evangelista.

Sa post nito sa kanyang instagram account, makikitang yakap-yakap niya ang asawang si Senator Francis “Chiz” Escudero at may hawak na damit pangsanggol.

Magkahalong tuwa at takot naman ang nararamdaman ni Heart dahil aniya, wala pa siyang experience dahil firs time ito.


Kwento pa ng aktres, sobrang supportive pa ni Senator Chiz dahil sabi nito, kung kaya niyang maging mapagmahal na ina sa kanilang mga aso, ay sigurong kaya niya rin sa kanilang magiging anak.

Share pa ni heart, kakaiba rin ang kanyang pinaglilihian dahil gusto niya ang mga kulay puting pagkain gaya ng mayonaise, egg white, at white bread.
Ikinasal si Heart noong Pebrero 2015 kay Senator Chiz na may kambal na anak sa unang asawa.

Facebook Comments