First Quarter Nationwide Earthquake Drill, isasagawa ngayong hapon

Inaanyayahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makilahok sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa ngayong hapon.

Magsisimula ang programa ng ala-1:00 ng hapon sa pangunguna ng mga opisyal ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo at alas-2:00 ng hapon gagawin ang “ceremonial pressing of the button” na hudyat para gawin ang “duck, cover and hold move”.

Susundan ito ng isang “functional exercise” na lalahukan ng iba’t ibang ahensyang kasapi ng NDRRMC, kung saan itatanghal ang kanilang pagtugon sa isang magnitude 7.2 na lindol.


Bago ang aktibidad sa hapon, magkakaroon ng “mustering of forces” na lalahukan ng iba’t ibang response agencies ng pamahalaan ngayong alas 8 ng umaga sa General Headquarters Grandstand sa Camp Aguinaldo.

Layon ng aktibidad na iprisinta sa publiko ang mga bagong kagamitan at kapabilidad ng pamahalaan sa pagtulong sa mga mamayan sa panahon na mangyari ang “The Big One”.

Facebook Comments