First Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, aarangkada ngayong araw

Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isasagawa mamayang alas-2:00 ng hapon ang First Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Hinikayat ng pamunuan ng NDRRMC ang publiko na pagsapit ng alas-2:00 ng hapon mamaya ay sabay-sabay na panoorin ang Ceremonial Pressing of the Button at mag-DUCK, COVER, and HOLD sa pagtunog ng sirena.

Sa anunsyo ng NDRRMC, nakasaad na walang magaganap na evacuation drill bilang pag-iingat sa COVID-19.


Magsisimula ang virtual program ala-1:00 ng hapon.

Ang hakbang na ito ng NDRRMC ay paghahanda pa rin sa tinaguriang “The Big One” earthquake na inaasahan sa napipintong pagkilos ng West Valley fault na maaaring mangyari anumang araw.

Facebook Comments