Sa kauna unahang pagkakataon may nasampulan na sa mas pinalakas na kampanya ng mga otoridad kontra illegal drugs sa Cotabato City at buong Autonomous Region in Muslim Mindanao itoy matapos may mahatulan na ng panghabambuhay na pagkakabilanggo bukod pa sa pagbayad nito ng kalahating milyong piso.
Sa impormasyong ipinarating ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin sa DXMY, nahatulang guilty na may katumbas na lifetime imprisonment ang naarestong si Erwin Jhon Tamala Teves alias Daday matapos mapatunayang lumabag sa section 5 ng RA 9165 o mas kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” under criminal case number 2017- 9640 ni Judge Annabelle D. P. Piang Presiding Judge ng 12th Judicial Region Regional Trial Court Branch 15, Cotabato City noong April 03, 2018.
Nahuli si Daday sa operasyon ng PDEA ARMM sa ND Village noong November 15, 2017 at nakumpiskahan ng 4.9670 grams ng shabu. Samantala naabswelto naman ang mga kasama nitong kinilalang sina Forton at Cruz.
Lubos naman ang kagalakan ng PDEA ARMM sa naging resulta ng kaso kasabay ng pagbibigay ng babala sa lahat ng mga nahuhumaling pa rin sa pagbibenta at paggamit ng illlegal d
Matatandaang halos mag malasardinas na ang selda ng PDEA ARMM bunsod sa walang tigil na operasyon ngunit wala man lamang may nahahatulan at kung minsay nakakalaya pa ang mga nahuhuli.