Nakatakdang aprubahan ng Asian Development Bank o ADB ang first tranche ng pondong gagamitin para sa Bataan-Cavite Interlink Bridge sa third quarter ng taong ito.
Ayon kay ADB Country Director to the Philippines Kelly Bird na aabot sa $4 billion sa ilalim ng Multi-Finance Facility Loan ng Pilipinas.
Paliwanag pa ni Bird na ang nakatakdang unang tranche ng naturang pondo ngayong third quarter ng taon na nagkakahalaga ng mahigit $1 billion.
Matatandaan ang naturang proyekto ay magdrugtong sa mga probinsya ng Bataan at Cavite upang mas mapabilis pa ang logistics industry sa ating bansa.
Facebook Comments