Fiscal provisions sa panukala para sa kapakanan ng mga freelancer, lusot na sa House Ways and Means Committee

Inaprubahan na rin sa House Ways and Means Committee ang fiscal provisions ng unnumbered substitute bill para sa pagbibigay proteksyon sa mga freelancer sa bansa.

Ayon sa sponsor ng panukala na si Creative Industry and Preforming Arts Committee Chairman Christopher De Venecia, aabot sa 1.2 million hanggang 1.5 million ang freelancers sa Pilipinas.

Layunin ng panukala na mailagay sa formal economy ang mga freelancers at magarantiya na may written contract sa mga pinapasok na kontrata o trabaho ng mga ito.


Pinatitiyak din sa panukala ang tamang payment, benefits at iba pang fees para sa serbisyong ibinibigay ng mga freelancer.

Nauna na ring pinagtibay sa House Committee on Labor and Employment ang panukala na nagsusulong ng interes at kapakanan ng mga freelancer.

Facebook Comments