Fish Cemetery sa Dagupan City, nagsimula ng dagsain ng mga turista

Isa sa mga Dinarayo ngayong papalapit na Undas 2019 ang fish cemetery sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources National Integrated FisheriesTechnology Development Center( BFAR-NIFTDC) sa Bonuan Binloc Dagupan City kung saan makikita ang 41 puntod ng mga nakalibing na isda.
Nabuo ang fish cemetery taong 1999 ng mamatay ang isang balyena na si “Moby Dick” ng makumpiska ito ng BFAR Central Office sa Malabon Metro Manila.
Sa paglipas ng panahon nadagdagan na ang mga sea creatures na inililibing dito gaya ng dolphin, pagong at iba pa na galing sa Manila Bay, La Union at mga baybayin dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang pinaka huling inilibing dito ngayong taon ay si “Mr. Bin” na ipinangalan sa lugar kung saan matatagpuan ang Fish Cemetery na Brgy. Bonuan Binloc Dagupan City noong May 20, 2019 sa Lingayen Pangasinan. Ang pagtatayo ng nasabing libingan ng mga isda ay isang paraan ng pagrespeto sa mga lamang dagat na dahilan ng pagkakaroon ng balanseng kalikasan
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments