FISH KILL | Bangus grower sa Pangasinan, lugi na ng mahigit isang daang milyong piso

Pangasinan – Mahigit isang daang milyong piso na ang lugi ng mga bangus grower sa Bolinao at Anda sa Pangasinan.

Ayon sa mga bangus grower, matapos ang pag-uulan nitong Miyerkules ay nagsimula ng maglutangan ang mga patay na isda.

Dahil dito, nagrereklamo na ang ilang mga residente dahil sa mabahong amoy nito.


Ayon sa Municipal Agriculture Office, biglang bumagsak ang dissolved oxygen at tumaas ang surface temperature sa baybayin.

Sa ngayon, apektado narin ng fish kill ang bayan ng Bolinao dahil sa pabago-bagong temperatura.

Facebook Comments