FISH KILL | Halaga ng nawalang bangus sa Bulacan, umabot na sa 29-milyong piso

Bulacan – Umabot na sa 29-milyong pisong halaga ng bangus ang nawala dahil sa fish kill sa 130 ektaryang palaisdaan sa Obando, Bulacan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 3 – base ito sa resulta ng ginawa nilang actual damage assessment.

Nasa 250 metric tons kasi ng bangus mula sa pitong barangay sa lalawigan ang namatay dahil sa oxygen depletion.


Ang fish kill ay resulta umano ng sobrang init at pabago-bagong panahon na pinalala pa ng overstocking sa mga fish pens.

Base sa rekomendasyon ng BFAR, dapat ay 3,000 isda lang ang laman ng kada ektarya ng palaisdaan.

Handa naman daw magbigay ng ayuda ang ahensya sa mga apektadong fish pen operator.

Sa kabila nito, wala rin daw silang na-monitor na sobrang pagmamahal sa presyo ng bangus.

Facebook Comments