“FISH KILL”, HINDI DAHILAN NG PAGKAMATAY NG MGA ISDA SA DAGUPAN CITY, AYON SA CITY AGRICULTURE OFFICE

Nilinaw ngayon ng Dagupan City Agriculture Office na hindi dahil sa fish kill ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda ilang lugar sa lungsod.
Tinalakay ni City Agriculturist Patrick Dizon sa ginanap na KBP Forum ngayong araw ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda ay dahil sa dulot ng pabago-bagong nararanasang panahon sa lungsod.
Ayon sa kanya, ang neap tide o tinatawag na Alaal ang nagiging sanhi o nakakaapekto sa antas ng dissolved oxygen level sa ilalim ng tubig kung kaya’t nangamatay ang mga isda.
Dahil sa epekto ng alaal, naapektuhan nito ang mga isdang Malaga na naging dahilan ng kanilang pagkamatay noong nakaraang linggo.
Ligtas naman aniya ang mga Bangus at nasa maayos naman na suplay ang isdang ito sa mga pamilihan.
Sinabi pa nito na normal lang sa bahagi aniya ng aquaculture ang pagkakatala ng mga mortality.
Sa huli sinabi nitong matatawag lamang na may naganap na fish kill kung ang lahat ng inaalagaang isda ay namatay.
Facebook Comments