Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit 11 milyong piso ang nalugi sa mga mangigisda sa Ilocos Sur dahil sa pagtama ng fish kill.
Apektado ng fishkill ang mga palaisdaan sa Nagtupacan, San Vicente.
Ayon kay BFAR-Regional 1 Director Nestor Domenden – overfeeding at overcrowded ang dahilan ng pagkamatay ng mahigit isang milyong isda sa naturang ilog.
95 percent aniya ng bahagi ng ilog ang nilagyan ng mga mangingisda ng fish cages imbes na 10 porsyento lamang sana.
Nabatid na mahigit 100 fish cages ang apektado kung saan 10,000 na isda ang laman ng bawat isang cage.
Kaugny nito, hinikayat ng BFAR ang mga mangingisda na sumailalim sa training sa tamang pagpapalaki at pag-alaga sa mga isda upang hindi na maulit ang fishkill na dahilan ng kanilang pagkalugi.
Tiniyak naman ni Domenden na tutulungan ng BFAR ang mga apektadong mangingisda sa abot ng kanilang makakaya.