Fish kill sa Baseco, patunay lamang sa kapabayaan sa pagbuhay muli ng marine at fishery resources ng Manila Bay ayon sa pamalakaya

Patunay lamang ang nangyaring fish kill sa Baseco sa nangyayaring environmental degradation o pagkasira ng Manila bay

Ayon kay Fernando Hicap, National chairperson ng pamalakaya, resulta ito ng matagal na kapabayaan ng gobyerno na buhayin ang marine at fishery resources ng Manila Bay.

Bigo aniya ang gobyerno na ipatupad ang mandamus ng Korte Suprema na nag-uutos sa mga ahensiya ng gobyerno na i-rehabilitate ang makasaysayang baybaying dagat.


Giit pa ni Hicap, ang rehabilitasyon ang dapat na inaatupag ng DENR at hindi ang paglalagay ng mga dolomite sand.

Dagdag ng pamalakaya, bagamat wala pang koneksyon ang nangyaring fish kill sa ginagawang beach nourishment project ay dapat magsagawa ng water sampling at laboratory analysis ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Facebook Comments